Miyerkules, Hunyo 27, 2012


ISANG MALA – SUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


I.      Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, 75% ng mga mag –aaral ay inaasahan na:
a)       Maiisa – isa ang mga polisiyang panlabas na ipinaiiral ng bansa.
b)       Maihahambing ang bawat paraan ng paglutas ng mga suliraning panlabas.
c)       Makakagawa ng solusyon sa isang tampok na isyung panlabnas ng bansa sa pamamagitan ng duladulaan.

II.      Paksang Aralin:
A.)    Paksa: Mga Polisiyang Panlabas ng Bansa
B.)    Sanggunian: PILIPINAS: Isang Pagsulyap at Pagyakap 1, pahina 306 - 308
C.)    Konsepto: Ang pakikipag – ugnayan sa ibang bansa ay may mahalagang ginagampanan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan, pagkakaisa at kaunlaran n gating bansa.
D.)    Balyu Pokus: Mabuting pakikisama, pagkakaisa, kapayapaan, pagkakaintindihan at kalayaan

III.      Kagamitan: Charts (Manila Paper/Cartolina), Marker/chalk

IV.      Pamamaraan
A.)    Panimulang Gawain
(1.)   Balik Aral
Noong nakaraang talakayan natin, napag – aralan natin ang mga Pinagkukunan ng Pondo ng Pambansang Badyet at ito ay ang buwis.

Anu – ano ang mga uri ng buwis? Magbigay ng isa.

(2.)   Pagganyak
PARAAN: Gumawa ng timang tanong tungkol sa mga nakaraang isyu na kinaharap ng bansa. Hatiin ang klase sa dalawang (2) pangkat, Unang Pangkat at Pangalawang Pangkat. Gamit ang chalk gumuhit ng malaking bilog sa sahig, at gumuhit ng linya na humihiwalay sa dalawang pangkat. Ang isang pangkat ay sa kaliwa ng bilog at ang isang pangkat naman ay sa kanan.
                     Sabihin  ang layunin ng laro na ang grupong makakasagot sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay at kung tama ang kanyang sagot ay maari ng lumabas sa bilog at umupo. Ang grupo na mali ang sgot ay hindi na maaring makasagot sa susunod na tanong. Ang grupo na makakalabas sa bilog ay tatanghaling panalo. At makakakuha ng karagdagang puntos.

B.)    Paglinang ng Aralin
(3.)   Paglalahad
a.)     Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa mga Polisiyang Panlabas ng Bansa at aalamin din natin ang mga Paraan ng Paglutas sa mga Suliraning Panlabas.
b.)     Magkakaroon ng maikling talakayan tungkol sa aralin, kung saan ipababasa sa mga mag – aaral ang aralin at magtatanong ang guro.
c.)      Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat (Pangkat Pilipinas, Pangkat Tsina at Pangkat Vietnam) para sa isang duladulaan.
d.)     Babasahin ang problema at ipapaulit sa klase.
e.)     Babasahin ang mga paraan/panuto kung paano gawin at ang mga pamantayan nito.
f.)       Ipapamahagi sa bawat pangkat ang mga Activity Card.
g.)     Bibigyan ng limang (5) minuto ang bawat pangkat upang isadula ang nabigay na solusyon.
h.)     Ipapabuod sa lider ng bawat pangkat kung paano nabigyan ng solusyon ang problema at kung anong paraan ang kanilang ginamit.

(4.)   Paglalahat
a.)     Bilang kabuuan, ilang pandaigdigang organisasyon ang sinalihan ng Pilipinas?
b.)     Mabuti ba ang naidulot ng pagsali ng Pilipinas sa mga pandaigdigang organisasyon?
c.)      Paano mo maihahambing ang paraang Negosasyon sa paraang Medyasyon? Paraang Medyasyon at Arbitrasyon?

C.)    Pangwakas na Gawain
(5.)   Pagpapahalaga
a.)     Nakatutulong ba sa bansa natin ang pagsali sa ibat – ibang ogranisasyong pandaigdig? Paano at bakit?
b.)     Mahalaga ba ang ating pakikipag – ugnayan sa ibang bansa? Gaano ito kahalaga?

(6.)   Paglalapat
a.)     Kung ikaw ang nasa katayuan ng Tsina tungkol sa isyu sa Spratlys gayundin ba ang gagawin mo? Bakit?
b.)     Kung sakaling ikaw ay isang Tsinoy at papipiliin ka tungkol sa sigalot sa spratlys. Ano ang pipiliin mo? Ang Pilipinas na kung saan may asinso ang negosyo mo o ang Tsina kung saan nagmula ang mga ninuno mo?

(7.)   Ebalwasyon

a.)     Magbibigay ng pagsubok/pagsusulit sa mga mag – aaral.

PANUTO: Basahin ng mabuti at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1.)     Asosasyon ng mga bansa sa Timog – silangang Asya na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng mga kasaping bansa.
a.)     APEC
b.)     ASEAN
c.)      BIMP – EAGA
d.)     WTO

2.)     Binubuo ng mga bansang matatagpuan sa hangganan ng Pacific Ocean at Asya na naglalayong itaguyod ang pambansang kaunlaran.
a.)     APEC
b.)     ASEAN
c.)      BIMP – EAGA
d.)     WTO

3.)     Paraan ng paglutas ng mga suliraning panlabas kung saan nilulutas ng mga nag – aalitang bansa ang kanilang sigalot sa mapayapang paraan.
a.)     Arbitrasyon
b.)     Komisyon
c.)      Medyasyon
d.)     Negosasyon

4.)     Binubuo ito ng mga bansang walang pinapanigan o hindi kasangkot sa alitan ng di – nagkakunawaang mga bansa.
e.)     Arbitrasyon
f.)       Komisyon
g.)     Medyasyon
h.)     Negosasyon

5.)     Paraan ng paglutas ng mga suliraning panlabas kung saan may nagsisilbing tagapamagitan ng dalawang magkasigalot na bansa.
a.)     Arbitrasyon
b.)     Komisyon
c.)     Medyasyon
d.)     Negosasyon



(8.)   Kasunduan
Mag – review sa Kabanata 10 para sa isang pagsusulit sa susunod na pagkikita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento